Hirit na pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN, isasagawa na lang sa susunod na Kongreso -Velasco

624

Inihayag ni House Speaker Lord Allan Velasco na hihintayin na lamang ang susunod na Kongreso bago maihirit ang pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN.

Kasunod ito ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na papayagan ang pagbabalik operasyon ng ABS-CBN kahit pa bigyan ng prangkisa ng Kongreso.


Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Velasco na kailangan muna nilang mag-pokus sa mga priority measures ng administrasyong Duterte lalo’t limitado na lamang ang oras bago ang 2022 elections.

Kasama na rito ang pagpasa ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 3 maging ang ilang economic bills para maiahon ang ekonomiya ng bansa sa pagkakalugmok dahil sa epekto ng COVID-19.

Facebook Comments