Hirit na pagpapa-deport sa dayuhang nambastos sa isang pulis sa Makati, sinegundahan ng isa pang Senador

Sinegundahan ni Senator Win Gatchalian ang mga hirit na pagpapa-deport sa isang dayuhang nakatira sa isang village sa makati na nambastos sa isang pulis na tumutulong sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Diin ni Gatchalian, dapat i-deport na agad ang nasabing dayuhan na walang respeto sa ating bansa, sa ating mga otoridad, at batas.

Malinaw para kay Gatchalian na walang galang ang dayuhan sa mga nagsasakripisyo para sa kaayusan ng bansa.


Giit pa ni Gatchalian, wala namang naitutulong ang nasabing dayuhan sa pilipinas ay nanggugulo pa at nagbibigay ng problema sa Gobyerno.

Bukod kay Gatchalian, ay nauna ng sinabi ni Senator Panfilo Ping Lacson na wala dapat puwang ang pagiging arogante sa ECQ na ipinapatupad para pigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ipinunto pa ni Lacson, ang ipinagmamalaki ng dayuhan na pagiging investor nya at pagkakaroon ng 80 empleyado ay hindi nagbibigay sa kanya ng karapatan para komprontahin at kastiguhin ang isang opisyal ng PNP na tumutupad lang sa kanyang delikadong tungkulin.

Facebook Comments