Hirit na petition for protection ni dating Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog, binasura ng Korte Suprema

196

Binasura ng Supreme Court (SC) ang inihaing petition for protection ni dating Ozamiz City councilor Ricardo “Ardot” Parojinog .

Ayon sa Korte Suprema, wala silang nakikitang rason para pagbigyan ang writ of amparo petition ni Parojinog dahil nasa kustodiya naman ito ng pulisya at hindi nanganganib ang kaniyang seguridad.


Hindi na rin hiningian ng Supreme Court ng sagot sa petisyon ang mga respondents.

Kabilang sa respondents sa petitions sina Philippine National Police Chief Gen. Oscar Albayalde, Ozamiz City Police Chief Jovie Espenido at Ozamiz Regional Trial Court Judge Soliver Peras.

Facebook Comments

From Advertisers