Hirit na pisong provisional increase, pormal nang naihain ng ilang transport group sa LTFRB

Pormal nang inihain sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng ilang transport group ang kanilang verified motion na humihiling na ipatupad na ang pisong provisional increase.

Sa 17 pahinang mosyon ng grupong Pasang Masda, ALTODAP at FEDJODAP , umaapela sila sa LTFRB na payagan na makasingil sila ng pisong dagdag-pasahe.

Ito ay sa gitna ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Noong October 2023 ay pinaboran din ng ahensiya ang kanilang hiling noon para sa provisional increase.

Nakahanda naman umano nilang iatras ang kanilang mosyon sakali na magtuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng mag produktong petrolyo.

Maliban sa nabanggit na grupo, suportado na rin umano ng iba pang transport group ang kanilang hiling na implementasyon ng provisional increase.

Facebook Comments