
Ibinasura ng Sandiganbayan ang petisyon para makapag-piyansa si dating Congressman Zaldy Co at siyam na dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
May kaugnayan ito sa kasong malversation na kanilang kinahaharap na may kaugnayan sa umano’y anomalya sa flood control project sa Oriental Mindoro na nagkakahalaga ng ₱289-M.
Una nang iginiit ng mga co-accused ni Co na mahina ang evidence of guilt laban sa kanila kaya’t humirit sila ng petisyon para makapagpiyansa.
Iginiit din nila na hindi sila flight risk at siniguro ang pagharap sa mga pagdinig habang ang iba naman ay humirit dahil sa humanitarian consideration.
Pero sa kabila nito, nanindigan ang anti-graft court na hindi entitled sa bail ang mga akusado na pare-parehong nahaharap sa kasong malversation na non-bailable.










