Hirit na sumailalim sa COVID-19 test sa ika-7 araw ang mga Pinoy na umuuwi ng bansa, inaprubahan na ng IATF

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang rekomendasyon ng Department of Health (DOH) sa panibagong protocol sa mga biyaherong darating sa Pilipinas.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, gagawin na sa kada ikapitong araw ang COVID-19 testing para sa mga uuwi sa bansa.

Matapos naman ang 10 araw na quarantine ay ieendorso na ang mga biyahero sa mga Local Government Unit (LGU) para doon tapusin ang mandatory isolation.


Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kahit bakunado na ang isang Pilipino ay kailangan parin na sumunod ito sa bagong protocol.

Kinakailangan din aniyang ipadala sa Philippine Genome Center ang mga resulta ng swab testing para malaman kung positibo ang mga ito sa COVID-19 at anong variant ang tumama sa kanila.

Facebook Comments