MANILA -Pag-uusapan sa Comelec En Banc ngayong araw kung itutuloy pa ang system audit na hiling ng kampo ni Senador Bongbong Marcos.Sa interview kay Comelec Commissioner Luie Guia, ipinaliwanag niya na una nang ipinagpaliban ang system audit dahil sa canvassing ng mga boto.Kaugnay nito, sa interview ng RMN kay Abakada Party-List Rep. Jonathan Dela Cruz, tumatayong campaign adviser ni Marcos, sinabi niya na umaasa sila na magiging mabilis ang proseso ng kanilang ihahaing electoral protest kaugnay sa umanoy dayaan noong halalan.Ipinaliwanag niya na gusto nilang maayos ang proseso ng botohan para hindi na maulit ang umanoy dayaan sa susunod na eleksyon.Matatandaang sa kasagsagan ng tatlong araw na canvassing, ilang beses na pinuna at ipinunto ng kampo ni Marcos ang mga undervotes sa bawat Certificate of Canvass (COCs).
Hirit Na System Audit Ng Kampo Ni Senador Bongbong Marcos, Pag-Uusapan Ngayong Araw Kung Itutuloy Pa
Facebook Comments