Hirit na taas-pasahe dahil sa sunod-sunod na oil price hike, tinabla ng LTFRB

Hindi pa nakikita ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang posibilidad na magpatupad ng taas-pasahe sa mga pampublikong transportasyon.

Kasunod ito ng tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay LTFRB Chairperson Martin Delgra, iniiwasan ng Department of Transportation (DOTr) na pahirapan ang mga commuter.


Aniya, mas pinagtutuunan ng pansin ng DOTr ang tugunan ang pangangailangang pinansyal ng mga tsuper at operator sa pamamagitan ng mga service contract program at “Pantawid Pasada” cash aid.

Matatandaang nitong Martes ay ang ikaanim na sunod na linggo na muling nagtaas ang presyo ng produktong petrolyo.

Facebook Comments