Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hiling ng mga manufacturer na taas-presyo sa mga pangunahing bilihin.
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, oras na para buksan muli ang usapin ng taas-presyo ng mga produkto lalo’t noong Hulyo 9 pa napaso ang 60 araw na price freeze.
Aniya, kasama sa mga humiling ng 2% o P0.50 hanggang P1.50 na taas-presyo ang mga kompanya ng de-latang sardinas.
Kasabay nito, tiniyak naman ng DTI na iniimbestigahan na nila ang mga ulat na may mga manufacturer na nagtaas ng presyo kahit may price freeze.
Facebook Comments