Masusing pag-aaralan ng Dept. of Trade and Industry (DTI) ang hirit na taas-presyo ng ilang bilihin bunsod ng pagmahal ng presyo ng krudo sa World Market.
Kabilang sa mga nagbabalak na magtaas ng presyo ay mga manufacturer ng gatas, sabong panlaba, de lata at iba pa.
Hirit nila sa DTI ang 50-Centavos hanggang Dalawang Piso na dagdag presyo.
Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, paliwanag ng mga manufacturer, imported ang mga raw materials kaya hindi na mapigilan ang pagtaas ng presyo.
Pero nilinaw ni Castelo, wala munang aaprubahang taas presyo sa basic necessities at prime comodities.
Sinabi naman ni Steven Cua, President ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association, mababa ang demand ng mga produkto tuwing Enero.
Babala ng supermarket owners, posible talagang tumaas ang bilihin kapag nagtulu’y-tuloy ang pagmahal ng Petrolyo.