Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na dadaan pa sa kanilang mga pagdinig ang hirit ng mga transport group na tatlong pisong taas presyo sa pamasahe.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni LTFRB Executive Director Joel Bolano na kinakailangang mabalanse ang dalawang panig lalo na’t may isang grupo ng commuters naman ang naghain din ng petisyon na tumututol dito.
Sa kabila niyan, kung pagbabatayan naman aniya ang ginawang computation ng LTFRB sa naging taas presyo sa pamasahe noong 2018 ay posibleng pumatak lamang sa piso ang maging increase.
Kahapon ay pormal nang naghain ng petisyon na tatlong pisong increase sa pasahe ang ilang transport group sa tanggapan ng LTFRB dahil sa sunod-sunod na taas presyo sa produktong petrolyo.