Umaasa ang grupo ng mga tsuper na aaprubahan na sa susunod na linggo ang hirit nila na pisong temporary fare increase.
Ito ay habang hinihimay pa ng LTFRB ang petisyon nilang gawing P15 ang minimum na pasahe sa jeep.
Ayon kay Ka Obet Martin, presidente ng Pasang Masda, sana ay ibigay agad ng LTFRB ang hiling nilang piso muna na dagdag pasahe lalo’t may nagbabadya na namang bigtime oil price hike sa susunod na linggo.
Naniniwala naman ang grupo na mauunawaan ng mga commuters sakaling magtaas sila ng pasahe.
Samantala, kinumpirma rin ni Ka Obet sa panayam ng RMN Manila na makikipagpulong sila kay Transportation Secretary Arthur Tugade para talakayin ang kanilang mga petisyon.
Habang sa Martes, Marso 22, muling magsasagawa ng pagdinig ang LTFRB hinggil sa fare hike petition ng mga transport group.