Hindi maaaring makialaman ang Pilipinas sa desisyon ng Amerika na i-ban sa kanilang bansa ang mga Philippine officials na sangkot sa pagpapakulong kay Senador Leila De Lima.
Ito ang pananaw ni Vice President Leni Robredo matapos batikusin ng ilang senador ang naturang resolusyon ng US senators.
Paliwanag ng Bise Presidente, kagaya rin ito ng desisyon ng China na huwag papasukin sa kanilang bansa ang ilang opisyal ng Pilipinas.
Aniya – bagamat hindi sang-ayon ang bansa sa nasabing resolusyon, hindi naman maikakailang karapatan nila ito bilang isang bansa.
Ipinapakita rin aniya ng nasabing resolusyon ng US senators na seryoso ang Amerika sa kampanya nito kontra human rights violations.
Desisyon na aniya ng Pilipinas kung magpapa-pressure ito sa ibang bansa.