Hirit na TRO ng website na Bulatlat.com para sa pagpapasara sa kanila ng NTC, ibinasura ng QC RTC

Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) ang kahilingan ng news website na Bulatlat.com na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) sa ginawang pagpapasara sa kanila ng National Telecommunications Commission (NTC).

Sa desisyon ng QC RTC Branch 306, sinabi nitong walang sapat na katibayan ang Bulatlat.com para pagbigyan sila sa hinihingi na TRO.

Bukod sa Bulatlat.com, hindi rin pinagbigyan ang kahilingan ng iba pang news website tulad ng Pinoy Weekly.


Una ng ipinag-utos ng NTC noong nakaraang linggo ang pagpapasara sa 26 na news website na iniuugnay sa mga komunistang grupo.

Ang desisyon ng NTC ay bunsod na rin sa rekomendasyon ng National Security Council.

Facebook Comments