Hirit na tuition hike ng ilang pribadong unibersidad at kolehiyo, hindi maaaring pigilan ng CHED

Hindi maaaring pigilan ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga pamantasan at kolehiyo na magtaas ng kanilang matrikula.

Ito ang nilinaw ng kagawaran sa harap ng mga hirit na tuition hike ng ilang unibersidad at kolehiyo sa kabila ng krisis sa COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni CHED Chairman Prospero De Vera III na hindi sila maaaring magpataw ng freeze o moratorium sa tuition increase.


Ang tanging magagawa aniya ng CHED ay bantayan kung naaayon ang halaga ng hirit na dagdag-matrikula sa pagtaas ng custom education na bunsod naman ng pagtaas ng sweldo ng mga faculty.

Mula sa halos 400 aplikasyon mula sa mga private school, 89 na lang ang nasa tanggapan ng CHED.

Karamihan kasi ay hindi na itinuloy ang aplikasyon matapos na tumama ang pandemya.

Facebook Comments