Hirit ng ama ng aktibistang estudyante na mapalaya ng militar, binasura

Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang hirit ng ama ng student-activist na si Alexandrea Pacalda na mapalaya ng militar ang kanyang anak matapos na maaresto nang walang warrant of arrest noong Setyembre.

Sa desison ng CA na may petsang October 29, nakasaad  na bagamat maaring may illegal arrest na nangyari, hindi ito maaring basta nalang palayain dahil sa mga naisampang kaso laban dito.

Una nang sinabi ni Ginoong Pacalda na tinorture ang kanyang anak at sapilitang pinapirma sa isang dokumento na nagsasabing kusa siyang sumuko sa mga otoridad.


Una na ring itinanggi ng Militar na dinukot nila si Alexandrea, kundi kusa itong sumuko matapos mapaulat na nawawala at naging miyembro ng New Peoples Army (NPA).

September 23, naghain ang Philippine Army ng kasong illegal possession of firearMs laban kay Alexandrea kung saan isinuko raw nito ang isang revolver, live ammunition, blasting caps at ilan pang mga subersibong dokumento.

Naninidigan ang ama ni Alexandrea na hindi miyembro ng NPA ang anak.

Ayon pa sa Militar, Bukod sa kasong kriminal, nag-isyu rin ng commitment order ang korte sa Catanauan, Quezon na nag-uutos na maikulong si Alexandrea sa BJMP.

Facebook Comments