Hirit ng AMLC na pagre-report ng real estate developers at brokers, tinutulan ng mga senador

Hindi komporme ang mga senador sa nais ng Anti Money Laundering Council (AMLC) na mag-report dito ang mga real estate developer at brokers kapag may cash transactions na higit ₱1,000,000.

Inihirit ito ng AMLC sa pagtalakay ng Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies na pinamumunuan ni Senator Grace Poe ukol sa panukalang mga amyenda sa Anti Money Laundering Act.

Giit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, walang mga tauhan ang ordinaryong broker at sales person para tumutok sa pagre-report sa AMLC na dapat ay gawin ng Bureau of Internal Revenue at Registry of Deeds.


Babala naman ni Senator Cynthia Villar, kapag ipinilit ito ng AMLC ay mawawalan ng kumpyansa at matatakot ang mga bibili ng bahay na maaring magresulta para hindi makabenta ang mga real estate developers at brokers.

Facebook Comments