MANILA- Binara ng Malakanyang ang hirit ng China na idaan sa bilateral negotation ang territorial dispute sa West Philippine Sea.Una nang sinabi ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na nakahanda ang China na kausapin ang Pilipinas at tutulong sa pag-unlad ng bansa basta bawiin ang arbitration case sa the Hague-based tribunal.Sinabi ni Presidential Communications Sec. Sonny Coloma na iginagalang ng gobyerno ang malayang proseso ng tribunal kaya hindi tamang makipag-usap sa ibang partido para sa paghaharap ng argumento.Ayon kay Coloma, hihintayin na lamang ang resulta ng petisyon sa tribunal.Magugunitang naninindigan ang Pilipinas sa multi-lateral approach imbes na bilateral negotiation sa pagresolba ng agawan sa teritoryo.
Facebook Comments