Manila, Philippines – Nagdesisyon ang Korte Suprema na italaga sa Regional Trial Court ng Taguig City ang mga kasong may kinalaman sa pag-atake ng Maute terror group sa Marawi City.
Kasunod na rin ito ng kahilingan ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na gawin sa Taguig City ang paghawak ng kaso imbes na sa Regional Trial Court sa Cagayan de Oro City.
Sabi ni Supreme Court Spokesman Atty. Theodore Te, inatasan na rin ang Taguig City court para sa agarang paghawak ng kaso hinggil sa Marawi siege.
Sakop din ng resolusyon na gawing temporary detention facility ng mga suspek ang special intensive care area sa Camp Bagong Diwa.
*tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558*
Facebook Comments