Hirit ng kampo ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo na sumailalim sa Executive session ng Senado, tinanggihan ng isang senadora

Tinabla ni Senate Committee on Women Chairperson Risa Hontiveros ang hiling ng kampo ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na magsagawa ng Senate Executive session upang doon ihayag ng sinibak na alkalde ang mga impormasyon sa ginawang pagtakas sa bansa at ang kaugnayan sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa kanyang lugar.

Giit ni Hontiveros, walang dahilan para paniwalaan ng komite ang mga sasabihin ni Guo Hua Ping o Alice Guo lalo na sa aspetong magbibigay ito ng totoo at mahahalagang impormasyon para pumayag lamang silang sumailalim sa Executive session.

Sinabi ng mambabatas na hindi nga maamin ni Guo na siya ay isang Chinese national at pinanganak siya sa China kahit na harap-harapan nang ibinabalandra sa kanya ang mga ebidensya.


Dagdag ni Hontiveros, kung hindi magawa ni Guo na sabihin ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao ay bakit naman paniniwalaan ang mga salitang lalabas sa kanyang bibig.

Hamon ng senadora kay Alice Guo na magpakatotoo na lamang ito sa susunod na pagdinig at baka doon ay maniniwala na ang mga mambabatas na magpapakatotoo din ang dismissed mayor kapag pumayag man sila sa Executive session.

Facebook Comments