Hirit ng MNLF at 11 tribal groups na magsilbing security detail ni VP Sara, pag-aaralang maigi ng AFP

Dadaan sa masusing pag-aaral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kagustuhan ng Moro National Liberation Front at 11 tribal groups sa Davao City na magsilbing security detail ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, ipinapaubaya na nila ito sa higher authorities kung saan dadaan muna ang mga ito sa background check at masusing training.

Aniya, susuriin ang mga ito ng Presidential Security Command na syang nakakasakop sa Vice President security group.


Reaksyon ito ni Padilla makaraang bawiin ng Philippine National Police (PNP) ang 75 security detail ni VP Sara kung saan nag-alok si MNLF-Davao Chairperson, Monk Aziz Olamit na sila na lamang ang magbibigay seguridad sa bise presidente.

Una nang sinabi ni Padilla na mayroon pang 400 mga sundalo ang tumitiyak ngayon sa seguridad ni VP Sara.

Facebook Comments