Inaprubahan na ng national government ang hiling ng Metro Manila mayors na dagdag ayuda para sa mga dumaraming lugar na nasa ilalim ng granular lockdowns.
Sa interview ng RMN Manila, kinumpirma ni MMDA Chairman Benhur Abalos na pumayag na ang national government na tulungan ang mga Metro Manila mayors sa mga gastusin sa pagbibigay ng ayuda sa mga apektado ng mga lockdowns na mga residente.
Ayon kay Abalos, magiging “cost-sharing” ang dagdag pondo na kukunin sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Una nang iginiit ng Local Givernment Units (LGUs) na posibleng masaid ang kanilang pondo kung magtatagal at darami pa ang mga granular lockdown.
Facebook Comments