
Alas dyes ngayong umaga ay magsisimula na ang deliberasyon ng House Committee on Justice sa apat na verified impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Inaasahang magiging tatlo na lang dahil mamaya ay pormal na babawiin ng Tindig Pilipinas ang inihain nitong reklamo.
Ayon kay Committee Chairperson at Batangas Representative Gerville Luistro, isang hamon sa mga endorsers ng mga reklamo ang pagpipresenta ng bago at malalakas na mga ebidensya laban sa bise presidente.
Sinabi ito ni Luistro makaraang ihayag ng National Unity Party o NUP na kung walang lilitaw na bagong ebidensya laban kay VP Duterte ay posibleng hindi nila suportahan ang mga impeachment complaint.
Pero bago humantong sa pagdinig kung saan ilalatag an mga ebidensya laban kay VP Sara ay uunahin munang tatalakayin ng komite ngayong araw hanggang sa Miyerkules kung sufficient in form ang substance ang mga impeachment complaints.










