Hirit ng Ombudsman na i-withdraw ang 6 graft cases sa Pharmally scandal para muling pag-aralan, pinahintulutan na ng Sandiganbayan

Pinagbigyan na ng Sandiganbayan ang hirit ng Office of the Ombudsman na i-withdraw ang anim na kasong graft laban sa ilang opisyal ng gobyerno at Pharmally Pharmaceutical Corp.

Ilan lang sa mga respondents sa kaso sina dating Procurement Service-Department of Budget and Management o PS-DBM Undersecretary Lloyd Christopher Lao, dating Overall Deputy Ombudsman Warren Rex Liong, ilang procurement officers at mga opisyal ng Pharmally kabilang sina Twinkle at Mohit Dargani at Linconn Ong.

Ang mga kaso ay may kaugnayan sa umano’y maanomalyang pagbili ng bilyon-bilyong halaga ng supply para sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa kasagsagan ng pandemya.

Nakalagay sa resolusyon ng anti-graft court na kinilala ng Sandiganbayan ang kapangyarihan ng Ombudsman na muling pag-aralan ang mga naunang desisyon.

Una rito, ipinag-utos ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na bawiin ang mga kaso kaugnay ng Pharmally scandal para muling pag-aralan.

Facebook Comments