Hirit ng pamilyang Parojinog sa VACC, pag-aaralan pa

Ozamis City – Pag-aaralan muna ng Volunteers Against Crime & Corruption ang hirit ng pamilya Parojinog kasunod ng nangyaring madugong drug raid sa compound ng nasabing pamilya sa Ozamis City.

Ayon kay VACC Founding Chairman Dante Jimenez, kanila munang i-eevaluate ang kahilingan ng pamilya Parojinog.

Sinabi pa ni Jimenez na aantayin muna ng VACC ang pormal na sulat ng mga ito at saka nila pag-aaralan kung may nalabag sa proseso ng operasyon ang pulisya.


Kanina kasi kinumpira ni Chairman Jimenez sa interview sa Government In Action sa DZXL RMN na may tumawag mula sa pamilya Parojinog sa VACC at humihingi ng saklolo.

Paliwanag ni Jimenez, maingat at mapanuri ang VACC bago sila pumasok sa eksena dahil baka nagagamit lamang sila ng iilan.

Kahapon matatandaang napatay si Osamiz mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog, kanyang asawa at labing tatlong iba pa sa ikinasang drug operation ng CIDG sa tahanan ng mga Parojinog.

Facebook Comments