Hirit ng pamunuan ng Quiapo Church na itaas sa 50% ang capacity ng simbahan sa Pista ng Itim na Nazareno, dedesisyunan ng IATF

Nakatakdang magpulong ngayong hapon ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) at isa ang hirit ng pamunuan ng Quiapo Church na itaas ang capacity ng simbahan ang dedesisyunan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, sa pulong malalaman kung aaprubahan ng IATF na itaas sa 50% ang capacity ng Quiapo Church sa Pista ng Itim na Nazareno sa darating na January 9.

Una nang nanawagan si Fr. Douglas Badong ang Parochial Vicar ng Quiapo Church sa IATF na itaas na lamang ang kapasidad ng Quiapo Church sa pista nito dahil paniguradong madaming deboto ang nais magsimba.


Ngayong taon kasi kanselado ang tradisyon ng Traslacion dahil parin sa banta ng COVID-19 bagkus magkakasunod na misa ang isasagawa sa Quiapo Church.

Sa kasalukuyan, 30% lamang ang church capacity dahil sakop parin ang Metro Manila ng General Community Quarantine.

Facebook Comments