Wala umanong basehan ang apela ng Panay Electric Company sa Energy Regulatory Commission na maibalik ang kanilang Certificate of Convenience and Necessity at mapayagan na muling makapagoperate bilang Distribution Utility sa Illoilo City.
Ayon kay dating Parañaque Cong. Gus Tambunting, na dati ring Vice Chairman ng House Committee on Legislative Franchise, kahit pa maibalik pa ang operational permit ng PECO ay malinaw na wala na itong pinaghahawakang legislative franchise.
Sinabi pa ni Tambunting na hindi rin pwedeng gamiting batayan ng PECO ang alegasyon na nagkaroon ng mas maraming insidente ng brownout sa Iloilo City sa ilalim ng More Power para muling makuha pamamahala sa power supply sa lalawigan.
Paliwanag ng dating mambabatas, bilang ang More Power ang syang may legislative franchise ay ito lamang ang natatangging Distribution Utility na papayagang makapag-operate sa Iloilo.
Si Tambunting ay isa sa mga mambabatas na sumuporta na maalisan ng prangkisa ang PECO kasunud na rin ng mga natanggap na ebidensya ng komite nito l sa kabiguan umano ng power firm na gampanan ang responsibilidad nito.
Samantala, bilang sagot naman sa alegasyon na wala silang alam sa pagpapatakbo sa power company, sinabi ni More Power President and CEO Roel Castro na 70 ng kanilang empleyado ay dating technical team ng PECO na kanilang inabsorb.
Kinontra din ni Castro ang aniya ay taktika na ginagawa ng PECO para siraan ang More Power gaya ng pagpapalobo ng numero sa naranasang brownout sa nakalipas na 5 buwan na ginawang 412 oras gayong nasa kabuuang 182 oras lamang ang power interruption para palabasin ang incompetence ng kumpanya na malinaw na panlilinlang sa publiko