Hirit ng Senado na extension sa voter registration, hindi pa natatalakay sa COMELEC en banc

Hindi pa napagdedesisyunan ng Commission on Elections (COMELEC) ang hirit ng Senado na muling palawigin ang voter registration hanggang sa ika-30 ng Oktubre, 2021.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na sa ngayon ang pinal na desisyon ng poll body ay walang extension sa voter registration pero hindi pa nila natatalakay sa en banc ang nasabing Senate Resolution na humihirit ng dagdag panahon sa pagpapatala.

Sa pinakahuling datos ng komisyon, nasa P61 milyon ang nakapagparehistro para sa nalalapit na eleksyon 2022.


Ayon pa kay Commissioner Guanzon, nasa 6.5 milyon pa ang deactivated voters kung saan hindi na nila kailangan pang tumungo sa alinmang tanggapan ng COMELEC.

Paliwanag nito, kinakailangan lamang mag-email sa COMELEC website upang ma-reactivate ang kanilang status.

Facebook Comments