Manila, Philippines – Binasura ng Dept. of Foreign Affairs ang hirit ng Amerika na huwag padaluhin sa ASEAN Ministerial Meeting ang North Korea.
Ito ay dahil sa patuloy na pagbalewala ng gobyerno ng North Korea sa panawagang itigil na ang missle test ng NoKor sa Asya.
Ayon sa DFA,huli na para bawiin ang imbitasyon sa North Korea
Sa mensaheng unang ipinadala ng Washington, nais nila na bigyan ng leksyon ang Pyongyang diplomatic force dahil sa patuloy na paglabag sa conflict-prevention aims ng Asean Regional Forum kung saan kasapi ang Amerika, North Korea at dalawamput limang iba pang mga bansa.
Facebook Comments