Hirit ni Rep. Arnolfo Teves Jr,, na makapag-privilege speech, hindi napagbigyan sa sesyon nitong Lunes

Sa pamamagitan ng isang dokumento na galing sa kanyang kampo ay hiniling ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Arnie Teves Jr., kay House Committee on Rules chairman at Majority Leader Manuel Jose Dalipe na makapag-privilege speech sa sesyon kahapon.

Nakasaad sa liham na ang privilege speech na gagawin ni Teves ay sa pamamagitan ng “Zoom” at layunin nito na mailahad ang kanyang panig sa kontrobersiyang kinakaharap niya, lalo na ang isyu ng “expired travel authority.”

Subalit na-terminate na ang privilege hour at nag-adjourn ang sesyon ng alas-5:36 ng hapon pero hindi nabigyan ng pagkakataon ang hiling ni Teves.


Samantala, aantabayanan naman hanggang mamayang alas kwatro o alas singko ng hapon kung tutugon si Teves sa 24 oras na ultimatum na ibinigay House Committee on Ethics and Privileges para siya ay pisikal na magpakita sa Kamara.

Facebook Comments