Hirit ni Sen. De Lima na kumukwestyon sa arrest order laban sa kanya, ibinasura ng SC

174

Manila, Philippines – Binasura ng Korte Suprema ang petisyon ni Sen. Leila De Lima na kumukwestyon sa arrest warrant ng Muntinlupa RTC kaugnay ng drug case nito.

Sa botong 9-6, ibinasura ng mga mahistrado ng SC ang petisyon ni De Lima.


Nangangahulugan ito na siyam sa labing limang mahistrado ang kontra sa petisyon ng Senadora kaya mananatili pa rin siya sa piitan.

Matatandaan na nauna nang naghain ng petisyon si De Lima sa SC noong Pebrero matapos magpalabas ng arrest warrant si Muntinlupa RTC Branch 205 Exec. Judge Juanita Guerrero na kumukwestyon aa hurisdiksyon ng Muninlupa RTC sa drug case na isinampa ng DOJ.

Facebook Comments

From Advertisers