Hispathology examination result ng bangkay ni Briana “Bree” Jonson, hinihintay pa ng PNP; anggulong pagpapakamatay, hindi pa makumpirma!

53

Kulang pa ang resulta ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa pagkamatay ng Filipino painter na si Briana “Bree” Jonson.

Ayon kay PNP-Region 1 Director Police Brigadier General Emmanuel Peralta, bagama’t kumpleto na ang autopsy report sa katawan si Jonson ay hinihintay pa rin ang hispathology examination result nito.


Sa kabila naman ng anggulong tila nagpakamatay si Jonson, sinabi ni Peralta na hindi pa nila ito makumpirma dahil may ilan pang tanong na kailangang masagot.

Batay sa resulta ng autopsy report, asphyxia o kawalan ng oxygen ang ikinamatay ni Jonson at nagpositibo pa sa cocaine batay sa urine test.

Setyembre 18 nang matagpuan ang bangkay nito sa tinutuluyang hostel sa La Union kasama ang boyfriend na si Julian Ongpin.

Facebook Comments