HISTORIC MOMENT | US President Donald Trump, pinuri ang China sa paghaharap nina North Korean President Kim Jong-un at South Korean President Moon Jae-in

Manila, Philippines – Pinuri ni US President Donald Trump ang China sa naging bahagi nito sa makasaysayang paghaharap ng mga pinuno ng South at North Korea.

Kasabay nito, tinawag din ni Trump na “historic moment” ang naging pulong nina North Korean President Kim Jong-un at South Korean President Moon Jae-in.

Binanggit din ni Trump na hindi matutuloy ang nasabing paghaharap ng dalawang lider kundi sa pamamagitan ni Chinese President Xi Jinping.


Sa nasabing pag-uusap ay nagkasundo ang mga lider ng South at North Korea na huwag nang ituloy ang nuclear development sa Korean Peninsula.

Facebook Comments