
Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa naging makasaysayang laban ni Alex Eala sa 2025 Women’s Tennis Association Miami Open.
Ayon kay Pangulong Marcos, marapat lang na kilalanin ang ipinamalas na galing ni Eala na nagsisilbing inspirasyon sa mga Pilipino.
Nagpasalamat din aniya siya sa sakripisyo at pagsisikap ni Eala para makapagbigay ng karangalan sa bansa na isa aniyang patunay sa husay at determinasyon ng mga atletang Pilipino.
Kumpiyansa naman si Pangulong Marcos, na sa susunod na pagkakataon, ay maaabot na ni Eala ang ‘championship title’ sa tennis.
Facebook Comments