HISTORICAL MARKER SA BACNOTAN AT BANGAR, LA UNION, PINASINAYAAN

Kinilala ng National Historical Commission of the Philippines ang kontribusyon ng mga bayan ng Bacnotan at Bangar, La Union sa kasaysayan ng bansa kasabay ng paggunita sa ika-125 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pagkabansang Pilipino.

Ginanap nitong Miyerkules ang paghawi ng tabing sa historical marker na inilagak sa dalawang bayan.

Ang Bangar at Bacnotan ay nadaanan ni Dating Presidente Emilio Aguinaldo at ng kanyang hukbo habang ipinagtatanggol ang pagiging bansa ng Pilipinas sa mga Amerikano noong Nobyembre 21,1899.

Sa kasaysayan, malaking bahagi ng La Union ang tinahak ng dating presidente tulad ng Balaoan at Rosario na nauna nang tumanggap ng historical marker mula sa tanggapan.

Dahil dito, hinihikayat ng mga lokal na pamahalaan ang kaukulang pagrespeto ng mga lokal na Kabataan sa pananda na umukit ng kasaysayan ng Pilipinas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments