Pormal na ibinigay kahapon ng Philippine Veterans Bank (PVB) sa Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ang “History Wall” at mga memorabilia ni Gen. Douglas MacArthur na nagpapakita ng kasaysayan ng lungsod at Pangasinan noong World War II.
Tinanggap ito ni Acting Mayor Bryan Kua mula kay PVB Dagupan Branch Manager Cherry Soriano sa dating sangay ng bangko sa CAP Building, Burgos Street. Kasama rin sa turnover sina City Mayor’s Consultant Rex Catubig, Tourism Officer-in-Charge Sharon Maramba, at Jayceeken representative Alex Villaflor.
Ayon kay Kua, ang donasyong ito ay simbolo ng makabuluhang pagtutulungan ng Veterans Bank, lokal na pamahalaan, at Jayceeken upang mapanatili ang kasaysayan at kabayanihan ng mga Pilipino.
Inilipat agad ang mga memorabilia sa MacArthur Building ng West Central Elementary School, sa pakikipagtulungan kay Principal Renato Santillan, bilang bahagi ng edukasyong pangkasaysayan ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









