HITMAN | No. 1 most wanted sa Laguna, arestado

Mabini, Batangas – Naaresto sa Mabini, Batangas ang hitman at kasalukuyang number 1 most wanted sa Bay, Laguna.

Ayon sa Police Chief Inspector Jojo Sabeniano, hepe ng Bay Laguna Police, anim na taong nagtago ang 37-anyos na suspek na si Roberto Canovas matapos niyang patayin ang biktima na si Zacarias Malinao, isang forester sa Laguna.

Hinala ng mga otoridad, maaring grupo ng illegal logging ang nakabangga ng biktima at kinuha ang serbisyo ni Canovas.


Giit ng suspek, wala siyang kinalaman sa nasabing krimen.

Facebook Comments