Manila, Philippines – Patuloy na tumataas ang bilang ng mga Pilipinong nagkakaroon ng HIV.
Sa datos ng Department of Health (DOH) mula Enero hanggang Nobyembre 2017, nasa 10,111 kaso ng HIV ang naitala kung saan 428 ang namatay.
Mas mataas ito kumpara sa higit 8,500 kaso noong 2016.
Nakasaad pa sa datos na 1,277 kaso nito ay lumala sa full-blown AIDS.
96.5% ng naitalang HIV-AIDS ay nakuha sa pakikipagtalik.
Nanatiling mataas ang bilang ng kaso sa National Capital Region (NCR), na sinundan ng Calabarzon at Central Luzon.
Sa kabuhuan, nakapagtala na ang DOH ng 49,733 HIV cases mula Enero 1984 hanggang sa kasalukuyan.
Facebook Comments