Hiwalay na landfill, inilaan para sa mga vials at syringe na ginamit sa pagbabakuna kontra COVID-19

Tiniyak ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may hiwalay na landfill na inilaan ang pamahalaan para sa disposal ng mga vial at syringe na ginamit sa pagbabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Vergeire, katuwang nila sa tamang disposal ng mga vials at syringe ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Local Government Units (LGUs).

Layon aniya nito na hindi makapinsala sa kalusugan ng publiko ang pagtatapon ng itinuturing na bio-hazard wastes.


Sinabi pa ni Vergeire na binibilang nila ang mga nagamit na vials at syringe pagkatapos ng vaccination para matiyak ang tally ng mga ito.

Pagkatapos aniya ng tally ay inilalagay sa safe container ang mga nagamit na vials at syringe.

Facebook Comments