HIWALAYAN | Chris Pratt, nagsampa na ng divorce sa asawang si Anna Faris

Showbiz – Pormal nang nagsampa ng divorce ang actor na si Chris Patt sa asawang si Anna Faris.

Sa ulat, isinampa ng aktor ang nasabing kaso upang tapusin ang walong taong pagsasama ng dalawa, dahil umano sa “irreconcilable differences.”

Dagdag pa nito, nauna nang nagtangkang maghain din ng petisyon ang kanyang asawang si Anna.


Pareho rin umano silang umapela ng kustodiya sa limang taong gulang na anak, at kapwa magbibigay ng suporta rito.

Sa kasalukuyan, tila naka-move on na umano si Anna, at nakikipag-date na sa cinematographer na si Michael Barrett.

Facebook Comments