HIWALAYAN? | Cristine Reyes at mister na Ali Khatibi, tuluyan na nga bang naghiwalay

Manila, Philippines – How true ang tuluyan nang naghiwalay ang aktres na si Cristine Reyes at mister nito na si Ali Khatibi.

Ito ay matapos i-un-follow ng aktres si Ali sa social media site na instagram.

Sa IG account ng aktres, tanging limang tao lang ang pina-follow ni Cristine pero wala rito ang kaniyang asawa.


Nitong lang Abril nang humingi ng dasal si Christine para sa marriage nila ni Ali.

Bagaman itinanggi ng aktres na on the rocks ang relasyon nila ni Ali, marami ang nakapansin na hindi na siya nagpo-post ng picture nila ng mister at ganoon din si Ali.

Dati na ring sinabi ng kapatid ni Cristine na si Ara Mina na normal lang sa mag-asawa ang nagkakaroon ng misunderstanding.

Facebook Comments