Hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonzo, totoo ba?

How true ang chikang hiwalay na raw sina Bea Alonzo at Gerald Anderson?

Lumabas ang mga ispekulasyon matapos na mag-post ng isang black photo si Bea sa kanyang Instagram na may caption na:

“You can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore. It’s a choice. Enough.”


Agad namang in-assume ng ilang netizens na para kay Gerald ang mga post ng aktres.

Nito lang July 20, nag-viral ang umano’y larawan nina Julia Barretto at Gerald na magkasama sa 30th birthday party ni Rayver Cruz.

Kamakailan lang din nang maghiwalay sina Julia at Joshua Garcia.

Hinala tuloy ng mga netizen, si Julia ang dahilan ng break-up nina Bea at Gerald.

Si Julia at Gerald ay nagtambal sa pelikulang “Between Maybes.”

Facebook Comments