Hiwalayang LJ Reyes at Paolo Contis, kumpirmado na!

Totoong ngang hiwalay na sina LJ Reyes at Paolo Contis!

Kinumpirma ito ng talent manager ng aktor na si Manay Lolit Solis.

Pero sa kanyang Instagram post, nilinaw ni Solis na hindi third party at hindi rin si Yen Santos ang dahilan ng break-up nina Paolo at LJ.


Naging matunog kasi ang pangalan ni Yen, na naging on-screen partner ni Paolo sa isang pelikula, matapos na i-delete pareho nila LJ at Paolo ang kanilang photos sa Instagram.

Dasal naman daw ng dalawa na maging magkaibigan pa rin sila alang-alang sa kanilang anak na si Summer.

Facebook Comments