Manila, Philippines – Iminungkahi ng pamunuan ng Housing and Land Use Regulatory Board o HLURB na mabigyan ng katugunan sa problema ng pabahay na ginagawa ng private sektors para sa disenteng pamamahay ng mga maralitang Filipino.
Ayon kay HLURB Commissioner Atty. Luis Paredes bumalangkas at pinag-uusapan na nila sa kanilang ginagawang Technical Working Group kung ano ang nararapat na mga solusyon para sa mga problema ng mga mahihirap na mamimili ng pabahay ng mga private developers.
Plano ng HLURB na baguhin ang kanilang mga polisiya sa mga Standards ng pabahay para masolusyunan ang problema ng mahihirap na makabili ng sarili nilang bahay na disente at maayos na malapit lamang sa Metro Manila at malapit din sa palengke, simbahan, paaralan at trabaho ng mga ordinaryong Filipino.
Pinag-aaralan na rin ng ahensiya na pabugin ang mga policies para mapabilis ang resolusyon ng mga reklamo ng mga namimili ng bahay laban sa kanilang developers gaya ng mga ginagawang pabahay sa ibang bansa at kayang bayaran ng mga mahihirap na Filipino.
Giit pa ni Paredes gumagawa ng mga polisiya para maengganyo naman ang mga negosyante na maglagak ng puhunan para sa tinatawag na Socialize Housing Project na kayang bilhin ng mga mahihirap na Filipino.