Hog Dealer, Timbog sa Pagbebenta ng Droga

18

Cauayan City, Isabela- Tuluyang dinakip ng mga alagad ng batas ang isang hog dealer matapos magpositibo sa ikinasang drug buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit, Regional Drug Enforcement at PNP Tuguegarao City partikular sa isang apartment sa Caritan Centro, Tuguegarao City, Cagayan.

Nakilala ang suspek na si Joel B Ubina, 37 taong gulang, walang asawa, hog dealer at residente ng Andarayan North, Solana, Cagayan.


Nabentahan ng suspek ng isang (1) sachet ng hinihinalang shabu ang isang poseur buyer na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Habang kinakapkapan ng mga otoridad ang suspek, nakuha sa kanyang pag-iingat ang siyam (9) na sachet ng pinaniniwalang shabu, Php1,000 na ginamit na buy bust money, isang (1) unit ng cellphone, isang (1) unit ng motorsiklo na walang plaka at isang brown na belt bag.

Agad na dinala sa sa Tuguegarao City Police Station ang suspek kasama ang mga nakuhang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.




Facebook Comments