Hog deliveries sa Metro Manila mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, mahigit 146,000 heads na

Umabot na sa 146,676 na buhay na baboy at 966,149 kilos ng carcass o kinatay na baboy ang nai-deliver na sa Metro Manila mula iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Pinakamaraming suplay na ipinadala sa National Capital Region (NCR) ay mula sa Calabarzon partikular mula sa Rizal, Batangas at Quezon na may kabuuang 2,349 heads.

358 na live hogs ang galing sa Bicol region.


Sinusundan ito ng MIMAROPA na may kabuuang 630 heads na ididiretso sa mga meat stalls sa Caloocan, Imus, Cavite at Bulacan.

Habang ang Central Luzon ay nakapaghatid ng 16 live hogs sa Valenzuela City.

30 pamilihan sa Metro Manila o katumbas ng 922 meat stalls ang nasuplayan ng mga dumating na karne.

Facebook Comments