Hog Industry na apektado ng hindi tinukoy na sakit, maliit na porsyento lamang

Iginiit ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG na maliit lamang na porsyento sa Hog Industry ang apektado ng hindi pa matukoy na sakit.

Ito ay kasunod na rin ng pagkakasakit at pagkamatay ng ilang mga baboy sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay SINAG Chairperson Rosendo So, aabot lang sa 0.002% sa kabuoan ng stock ang apektado.


Siniguro rin ni so na mananatiling sapat ang supply ng baboy hanggang Disyembre.

Sa ngayon, ayaw munang magsalita ng Department of Agriculture (DA) kung ano talaga ang sakit na tumama sa mga baboy at kung saang mga lugar ito nakakaapekto bilang bahagi ng biosecurity measures.

Ngayong araw ay magkakaroon ng pulong ang SINAG sa DA para talakayin ito.

Facebook Comments