Umabot na sa halos apat na Bilyong Piso ang ikinalugi ng industriya ng pagbababoy dahil sa African Swine Fever.
Ito ang naitala ang Dept. of Agriculture mula nang tumama ang ASF noong kalagitnaang Agosto.
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, tinatayang isang Bilyong Piso ang nawawala sa Hog Industry kada buwan.
Pero sinabi ni Dar, patuloy na bumababa ang kaso ng ASF sa mga lugar na tinamaan nito.
Aniya, wala na ring naitatalang bagong kaso ng asf sa iba pang lugar.
Bumabalik na rin ang tiwala ng mga consumer at nakakabangon na rin ang mga negosyante.
Sa datos ng bureau of animal industry, umabot sa 612 barangay sa 73 bayan sa siyam na lalawigan kabilang ang bulacan, pampanga, nueva ecija, aurora, tarlac, rizal, cavite, pangasinan, at iba pang bahagi ng metro manila ang naapektuhan ng asf.
Mula sa nasabing bilang ng Barangay, 329 dito ang nagpositibo sa ASF habang ang 283 na barangay ay sumailalim sa depopulation.
Nasa halos 150,000 baboy ang pinatay mula noong outbreak nitong agosto, kung saan higit121,000 ay mula sa backyard farms.