HOG INDUSTRY SA MANAOAG, PALALAKASIN

Isinagawa ang ground breaking ceremony para sa 30-sow multiplier at Techno Demo Farm sa bayan ng Manaoag na naglalayong palakasin ang industriya ng pagbababoy.
Ang proyektong ito ay iginawad ng Agricultural Training Institute sa ilalim ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion Program (INSPIRE), parte ng plano ng Department of Agriculture – Philippines na recovery at repopulation ng swine industry.
Maliban dito, tinanggap din ang cheque na naglalaman ng 10 milyong piso na layuning mapalakas at mapagtibay ang nasabing industriya.

May 30 na baboy ang aalagaan sa ipapatayong Sow Multiplier and Techno Farm sa Baritao na papalakihin at paparamihin.
Ang mga biik na magmumula rito ay ibibigay sa mga beneficiary upang ipagpatuloy ang pag-aalaga sa kanilang bahay. Ang pasilidad na ito ay biosecured housing at may artificial insemination facility, breeder stocks, shower area, at waste management facility. | ifmnews
Facebook Comments