Inaprubahan na ng Board of Investments ang 91. 49 milyong piso na Hog Production Project ng Sunjin Farm Solutions sa bayan ng Bugallon.
Inaasahang tataas ang domestic hog output ng 563. 15 milyon sa nasabing proyekto.
Nasa 1, 775 metrikong tonelada ang kapasidad nito sa loob ng isang taon na layuning maibangon ang industriya ng pagbababoy na naapektuhan ng ASF.
Inaasahan na mag-ooperate sa full capacity sa taong 2026. Ito ay gagamit ng semi-conventional type na may istriktong biosecurity measure support.
Ayon sa kumpanya, ang mga baboy na magmumula sa Pangasinan ay walang antibiotics at hormonal drugs base na rin sa rekomendasyon ng World Health Organization na pagpapatigil sa paggamit ng gamot sa mga food-producing animals. |ifmnews
Facebook Comments